top of page

INA
Akda ni: Ezar Co
[Mayo 10, 2015]
Tula/Poem
Mahal kong ina,
Ikaw ay dakila.
Huwarang nilikha
Bilang tagapag-alaga.
May taglay na kasipagan
Sa paglinis ng kapaligiran.
Tiyak uunlad ang bayan
Sa makikitang kalinisan.
Sa bawat sangkap ng pagkain,
Pag-ibig mo'y iyong inihahain,
At ito'y iyong isinasalin
Sa aming isip at damdamin.
Kahit kami ay pasaway,
Ika'y laging gumagabay
Sa daang aming nilalakbay
Patungo sa masaganang buhay.
Paggalang at kapanutuhan,
Binahagi mo sa loob ng tahanan.
Ikaw ang tanglaw ng kabutihan
Na 'yong itinatatak sa aming isipan.
Ako'y nagmula sa iyong haplos.
Pinalaki mo ako ng maayos.
Pag-ibig mo'y iyong ibinuhos
Kaya minamahal ako ng lubos.
Dakilang ina,
Ubod ng ganda.
May sipag at tiyaga.
Ikaw ang bunga sa sanga.
Umaga at gabi,
Ikaw ay nasa aming tabi.
Kaligayahan mo'y kami.
Magkakasama tayo palagi.
Sa pag-alon ng bughaw
At pagsikat ng dilaw,
Liwanag ay nasa ilaw.
Ilaw ay tanging ikaw.
Salamat, aking inay,
Sa mga bagay na iyong binigay.
Subalit, tula ang aking maibibigay.
Bilang pagmamahal kong tunay.
HAPPY MOTHERS' DAY!!! ♥
- Writings -
bottom of page