top of page

HENERAL LUNA
Akda ni: Ezar Co
[Nobyembre 5, 2015]
Maikling Tula/Short Poem
Isang matapang na mamamayan,
Handang lumaban para sa bayan
Sa bawat pagsubok at digmaan,
Upang ang tagumpay ay makamtan.
Sa kanyang ibinatong salita,
"Para kayong birheng naniniwala
Sa pag-ibig ng isang puta."
Aral ay 'wag agad magtiwala.
Kanyang mga salitang sinabi,
Kalaban natin ay sarili.
Ang takot natin ay isantabi.
Sa bayan, dapat tayo'y magwagi.
Bilang paghihiganti sa kanya,
Binaril, sinaksak ng espada.
Tapang nasa kanyang alaala.
Muli, siya si Heneral Luna.
bottom of page